Pilit mang ikubli
sa ‘yong dibdib,
larawan ng pait, iyong hinanakit;
langit ma’y tila nakapikit
at ang mundo’y mapanakit…
Sa saliw ng musikang malaya,
basbas ng apoy
iyong biyaya...
Wag alintanain ang karimlan
at ang agimat mong
mata’y buksan.
Sayaw, Salome, Sayaw…
Di mapipiglang mapaluha.
Hapong-hapo sa
pag-ibig mong dula.
Tila buwa’y nangungutya…
Punit-punit na kalul’wa
Sa saliw ng musikang malaya,
basbas ng apoy
iyong biyaya...
Wag alintanain ang karimlan
at ang agimat mong
mata’y buksan.
Sayaw, Salome, Sayaw…
sa ‘yong dibdib,
larawan ng pait, iyong hinanakit;
langit ma’y tila nakapikit
at ang mundo’y mapanakit…
Sa saliw ng musikang malaya,
basbas ng apoy
iyong biyaya...
Wag alintanain ang karimlan
at ang agimat mong
mata’y buksan.
Sayaw, Salome, Sayaw…
Di mapipiglang mapaluha.
Hapong-hapo sa
pag-ibig mong dula.
Tila buwa’y nangungutya…
Punit-punit na kalul’wa
Sa saliw ng musikang malaya,
basbas ng apoy
iyong biyaya...
Wag alintanain ang karimlan
at ang agimat mong
mata’y buksan.
Sayaw, Salome, Sayaw…
No comments:
Post a Comment