Himbing sa piling mo.
Unos at tag-araw
Nangungutyang magkayakap,
Himbing at payapa
Sa piling mo…
Halinghing at ungol,
Uyayi’t sigaw
Na pumapanaghoy.
Umuulan, umaapoy,
…Himbing
sa piling mo.
Pumipiglas,
Sumasamba.
Kumakalma’t kumakaripas.
Umuugong…
Bumubulong,
…Tahan at dagundong.
Payapa at himbing
Sa piling mo.
Bawat pagmulat mo’t pagpikit;
Pawis at lagkit,
Inaaninag at sinasamyo,
Kahit pa mapalayo.
Hiling kay Bathala’y
Mapayapa't mahimbing
…sa piling mo.
13 Sept 2005
12:05am
Penguin
No comments:
Post a Comment